Frontline personnel ng Caloocan City Hall bibigyan ng libreng flu vaccine

Frontline personnel ng Caloocan City Hall bibigyan ng libreng flu vaccine

Tatangap ng libreng flu vaccine at vitamins ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan.

Ayon kay Mayor Oca Malapitan, magiging prayoridad o uunahin mabakunahan ng libreng flu vaccine at bigyan ng vitamins ang mga kawani mula sa mga departamento o opisinang nagbibigay ng health care services, peace and order, emergency response, at environmental sanitation na madalas sumabak sa field work at tumutugon sa mga pangangailangan ng mga residente

Ayon sa alkalde nasa 5,000 empleyado o ang mga frontliner ng lokal na pamahalaan ang araw-araw humaharap sa peligro ng pandemya.

Sisimulang bakunahan ng flu vaccine sa Setyembre 13 ang priority employees mula sa Caloocan City Medical Center, Caloocan City North Medical Center, City Health Department, City Social Welfare and Development Department, Public Safety and Traffic Management Department, City Disaster Risk Reduction Management Office, Community Relations Office, City Environmental Management Department, at Office for Senior Citizens Affairs na gaganapin sa Bulwagang Katipunan (South) at SDC Covered Court (North). (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *