Bakuna para sa kabataan, pasok sa budget sa 2022

Bakuna para sa kabataan, pasok sa budget sa 2022

Tiniyak ni Finance Secretary Carlos Dominguez na kasama sa proposed 2022 National Budget ang pagpopondo para sa mga bakuna sa kabataan.

Ginawa ni Dominguez ang pahayag sa pagpapatuloy ng briefing ng Development Budget Coordinating Committee para sa 2022 National Expenditure Program sa Seando.

Sinabi ni Dominguez na umorder na sila ng 195.67 milyong doses ng bakuna para sa 100 milyong Pinoy kasama ang para sa mga may edad 12 hanggang 17-anyos.

Sa briefing, iginiit ni Senador Nancy Binay ang kahalagahan na mabigyan na rin ng bakuna ang mga bata upang unti-unti nang makabalik sa face-to-face classes.

Ipinaalala ni Binay na nalalagay sa alanganin ang pagkatuto ng mga estduyante kung magpapatuloy ang distance learning sa gitna na rin ng problema sa kakulangan ng gadgets at maging ng kawalan ng internet access sa maraming lugar sa bansa.

Ipinaliwanag ni Dominguez na bukod sa bakuna para sa mga bata, kasama rin sa budget para sa susunod na taon ang booster shots dahil inaasahan nilang tatagal pa ang Covid19 pandemic.

Binigyang-diin naman ng senador na dapat ay makamit na ng bansa ang herd immunity upang mabuksan nang muli ang ekonomiya. (Dang Garcia)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *