Typhoon Kiko napanatili ang lakas; nagbabanta na sa Extreme Northern Luzon
Napanatili ng Typhoon Kiko ang lakas nito at nagbabanta nang manalasa sa Extreme Northern Luzon.
Sa 8AM weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 235 kilometers east northeast ng Casiguran, Aurora.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 185 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 230 185 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong northwest sa bilis na 20 185 kilometers per hour.
Nakataas na ang tropical cyclone wind signal number 3 sa sumusunod na mga lugar:
– extreme northeastern portion of Cagayan (Santa Ana)
– Babuyan Islands (Babuyan Is., Didicas Is., Camiguin Is., and Pamuktan Is.)
Signal Number 2 naman ang nakataas sa sumusunod na mga lugar:
– Batanes
– rest of Babuyan Islands
– remaining eastern portion of mainland Cagayan (Aparri, Camalaniugan, Lal-Lo, Gattaran, Baggao, Peñablanca, Buguey, Santa Teresita, Gonzaga, Tuguegarao City, Iguig, Amulung, Alcala, Allacapan, Lasam, Ballesteros, Abulug)
– northeastern portion of Isabela (San Pablo, Maconacon, Divilacan, Palanan)
Habang signal number 1 ang nakataas sa sumusunod na mga lugar:
– rest of mainland Cagayan
– eastern portion of Ilocos Norte
(Pagudpud, Adams, Dumalneg, Bangui, Vintar, Carasi, Nueva Era, Burgos)
– Apayao
– northern portion of Kalinga (Balbalan, Pinukpuk, City of Tabuk, Rizal)
– eastern portion of Mountain Province (Paracelis)
– northeastern portion of Abra (Tineg, Lacub, Malibcong)
– northwestern and southeastern portions of Isabela (Santa Maria,
Quezon, Mallig, Roxas, San Manuel, Cabatuan, Aurora, City of Cauayan,
Angadanan, San Guillermo, Dinapigue, San Mariano, Cabagan, Santo Tomas,
Delfin Albano, Tumauini, Quirino, Burgos, Gamu, Ilagan City, Luna, Reina
Mercedes, Naguilian, Benito Soliven)
– northern portion of Aurora (Dilasag, Casiguran)
Ngayong araw ang Typhoon Kiko ay magdudulot na ng heavy to intense with at times torrential rains sa Cagayan
kabilang ang Babuyan Islands, Batanes, at sa northern Isabela.
Moderate to heavy with at times intense rains naman ang mararanasan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, northern and central Aurora, at sa nalalabing bahagi ng Cagayan Valley.
Ang Severe Tropical Storm “JOLINA” at Typhoon “KIKO” ay magpapalakas din sa Habagat na makapagpapaulan naman sa western sections ng Central Luzon, Southern Luzon at Visayas.
Sa Linggo ng tanghali o gabi inaasahang lalabas ng bansa ang Typhoon Kiko. (DDC)