Typhoon Kiko lumakas pa; Signal No. 1 nakataas sa mas maraming lugar sa Northern Luzon
Lalo pang lumakas ang Typhoon Kiko na habang nasa bahagi ng Philippine Sea.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 670 kilometers East ng Baler, Aurora.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 195 kilometers bawat oras malapit sa gitna at bagbusong aabot sa 240 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong pa-Kanluran sa bilis na 20 kilometers bawat oras.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa sumusunod na mga lugar:
– Cagayan including Babuyan Islands
– northeastern portion of Apayao (Luna, Pudtol, Flora, Santa Marcela)
– northeastern portion of Isabela (Santa Maria, San Pablo, Maconacon, Divilacan, Palanan)
Simula bukas ayon sa PAGASA, makararanas na ng heavy to intense with at times torrential rains sa Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, at sa northern Isabela.
Moderate to heavy with at times intense rains naman ang mararanasan sa Batanes at sa nalalabing bahagi ng of Isabela.
Ayon sa PAGASA posibleng lumakas pa ang bagyo sa susunod na mga oras at araw. (DDC)