Tropical Storm Jolina patungo na ng West PH Sea; tropical cyclone wind signals binawi na ng PAGASA

Tropical Storm Jolina patungo na ng West PH Sea; tropical cyclone wind signals binawi na ng PAGASA

Patuloy ang paglayo sa bansa ng bagyong Jolina.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 240 kilometers West ng Dagupan City, Pangasinan.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 115 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong pa-kanluran sa bilis na 10 kilometers per hour.

Inalis na ng PAGASA ang lahat ng tropical cyclone wind signal na naunang itinaas dahil sa bagyong Jolina.

Sa susunod na 24 na oras, ang bagyo ay magdudulot pa din ng light to moderate with at times heavy rains sa Palawan, Western Visayas, at Zamboanga Peninsula.

Lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo mamayang gabi.

Magtutungo naman ito sa bisinidad ng Vietnam o sa southern China. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *