Shipping at fishing operations balik na sa normal
Balik na sa normal ang shipping at fishing operations sa buong bansa.
Ayon sa abiso ng Philippine Coast Guard (PCG), pinayagan na muli ang pagbiyahe ng mga sasakyang pandagat sa lahat ng pantalan sa buong bansa.
Wala na ring stranded na mga pasahero, truck drivers at cargo helpers sa mga pantalan.
“All passengers, truck drivers, and cargo helpers, as well as vessels, motorbancas, and rolling cargoes that were stranded or taking shelter, are now allowed to travel by sea,” ayon sa PCG.
Magugunitang umabot sa libu-libong mga pasahero ang na-stranded sa iba’t ibang pantalan sa bansa.
Ito ay makaraang mahinto ang pagbiyahe ng mga sasakyang pandagat dahil sa pananalasa ng bagyong Jolina. (DDC)