Libreng sakay sa MRT-3 sa mga bakunadong APOR tuloy hanggang Sept. 15

Libreng sakay sa MRT-3 sa mga bakunadong APOR tuloy hanggang Sept. 15

Tuloy ang pagbibigay ng libreng sakay ng MRT-3 sa mga bakunadong APOR sa kasagsagan ng pag-iral ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa National Capital Region.

Ayon sa DOTr MRT-3, libre pa ring makasasakay ang mga bakunadong APOR hanggang sa ika-15 ng Setyembre 2021.

Libre ang mga APOR na nabakunahan na ng isa o dalawang doses ng COVID-19 vaccine mula ika-7:00 hanggang ika-9:00 ng umaga, at mula ika-5:00 ng hapon hanggang ika-7:00 ng gabi hanggang sa nasabing petsa.

Para makatanggap ng libreng sakay, kinakailangang ipakita lamang ang vaccination card sa security personnel sa mga istasyon.

Kailagan ding ipakita ang sumusunod upang mapatunayang sila ay APOR:
– Certificate of Employment (COE)
– valid o government-issued ID
– Professional Regulation Commission (PRC) ID
– company ID

Samantala, tuluy-tuloy ang pagpapasakay ng rail line sa 30% passenger capacity, na may katumbas na 124 na pasahero kada train car o 372 na pasahero kada train set. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *