Ambuklao at Binga dam nagpapakawala ng tubig; ilang lugar sa Benguet posibleng maapektuhan

Ambuklao at Binga dam nagpapakawala ng tubig; ilang lugar sa Benguet posibleng maapektuhan

Nagpapakawala na ng tubig ang Ambuklao at Binga dam.

Ayon sa PAGASA, tumaas ang antas ng tubig ng dalawang dam dahil sa pag-ulan na dulot ng bagyong Jolina.

Sa inilabas na update ng PAGASA, nasa 751.59 meters ang water level ng Ambuklao Dam.

Ang Binga Dam naman ay nasa 574.46 meters.

Kapwa mayroong tig-isang gate na nakabukas sa dalawang dam.

Ayon sa PAGASA, maaring maapektuhan ang mga barangay sa Ambuklao at Bokod gayundin ang dalawang barangay na Dalupirip at Tinongdan sa Itogon, Benguet.

Pinapayuhan ang mga nakatira sa mabababang lugar na maging alerto. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *