Typhoon Kiko patuloy na nagpapalakas; Signal No. 1 nakataas sa ilang bahagi ng Cagayan

Typhoon Kiko patuloy na nagpapalakas; Signal No. 1 nakataas sa ilang bahagi ng Cagayan

Patuloy na nagpapalakas ang Typhoon Kiko habang ito ay nasa Philippine Sea.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 785 kilometers East ng Baler, Aurora.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 185 kilometers bawat oras malapit sa gitna at bagbusong aabot sa 230 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong pa-Kanluran sa bilis na 20 kilometers bawat oras.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa sumusunod na mga lugar:

– eastern portion of Cagayan (Buguey, Lal-Lo, Santa Teresita, Gonzaga, Santa Ana, Gattaran, Baggao, PeƱablanca) and the northeastern portion of Isabela (Maconacon, Divilacan, San Pablo, Cabagan, Palanan)

Simula bukas ayon sa PAGASA, makararanas na ng heavy to intense with at times torrential rains sa Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, at sa northern Isabela.

Moderate to heavy with at times intense rains naman ang mararanasan sa Batanes at sa nalalabing bahagi ng of Isabela.

Ayon sa PAGASA posibleng lumakas pa ang bagyo sa susunod na mga oras at araw. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *