Tropical Storm Jolina napanatili ang lakas; papalayo na sa landmass ng bansa
Napanatili ng Tropical Storm Jolina ang lakas nito habang papalayo na sa landmass ng Pilipinas.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 145 kilometers West Northwest ng Iba, Zambales o sa layong 175 kilmeters West ng Dagupan City, Pangasinan.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 115 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong Northwest sa bilis na 25 kilometers per hour.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa sumusunod na mga lugar:
– western portion of Pangasinan (Anda, Bolinao, Infanta, Aguilar, Sual, Labrador, Dasol, Bugallon, Burgos, Mabini, Agno, City of Alaminos, Bani, Lingayen, Mangatarem)
– northern portion of Zambales (San Antonio, Botolan, San Narciso, San Felipe, Cabangan, Palauig, Iba, Masinloc, Candelaria, Santa Cruz)
Sa susunod na 24 na oras, light to moderate with at times heavy rains ang mararanasa sa Zambales, Bataan, at Pangasinan.
Lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo mamayang tanghali o gabi.
Magtutungo naman ito sa bisinidad ng Vietnam o sa southern China. (DDC)