60 pamilya na nakatira sa coastal community ng Noveleta, Cavite inilikas ng Coast Guard

60 pamilya na nakatira sa coastal community ng Noveleta, Cavite inilikas ng Coast Guard

Inilikas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 60 mga pamilya na naninirahan sa coastal community ng Brgy. San Rafael, Noveleta, Cavite.

Isinagawa ang paglilikas hapon ng Miyerkules (Sept. 8) kasunod ng naranasang malakas at patuloy na pag-ulan dulot ng bagyong Jolina.

Dinala pansamantala sa San Miguel Extension Elementary School ang mag inilikas na pamilya.

Samantala, activated na ang Deployable Response Groups (DRG) ng Philippine Coast Guard (PCG) District NCR – Central Luzon.

Ito ay para tumulong sa mga lokal na pamahalaan sa posibleng paglilikas ng kailang mga residente.

Ayon kay PCG District NCR – Central Luzon Commander, CG Commodore Charlie Q. Rances lahat ng kanilang search and rescue (SAR) equipment at mobility assets ay operational at handa na para sa augmentation. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *