Typhoon Kiko lumakas pa habang nasa Philippine Sea
Bahagya pang lumakas ang Typhoon Kiko habang nananatili sa Philippine Sea.
Sa 11AM weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,120 kilometers East ng Central Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 155 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong 190 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong west Southwest sa bilis na 20 kilometers per hour.
Ayon sa PAGASA, simula sa Biyernes, makararanas ng pag-ulan sa eastern section ng Northern Luzon dahil sa Typhoon Kiko.
Posible ring magtaas ng Tropical Cyclone Wind Signals (TCWS) sa maraming lalawigan sa Northern Luzon simula mamayang gabi o bukas ng umaga.
Ayon sa PAGASA posibleng umabot sa TCWS No. 4 ang itataas sa mga lalawigan na maaapektuhan ng bagyo. (DDC)