Mahigit 2,600 na pasahero stranded sa mga pantalan dahil sa Bagyong Jolina
Mayroong mahigit 2,600 na mga pasahero ang stranded sa mga pantalan sa bansa dahil sa bagyong Jolina.
Ayon sa inilabas na Maritime Safety Status ng Philippine Coast Guard (PCG) may kabuuang 2,647 na pasahero, drivers at cargo helpers ang stranded ngayon sa mga pantalan sa Eastern Visayas, Bicol, Western Visayas at Southern Tagalog.
Mayrooon ding stranded na 26 na barko, 937 na rolling cargoes at 7 motorbanca.
Mayroon namang 67 barko at 52 motorbanca ang pansamantalang nagkakanlong sa ligtas na lugar. (DDC)