Ipo Dam sa Bulacan nagpapakawala na ng tubig
Dahil sa nararanasang patuloy na pag-ulan patuloy din ang pagtaas ng water level sa Ipo Dam.
Ayon sa inilabas na dam situationer ng PAGASA, nasa 101.23 meters ang water level ng dam alas 6:00 ng umaga ngayong Miyerkules (Sept. 8).
Dahil dito simula alas 8:00 ngayong umaga ay nagsagawa na ng spilling operation ang dam.
Pinayuhan ang mga residente sa mabababang lugar sa kahabaan ng Angat River partikular sa Norzagaray, Angat, San Rafael, Bustos, Baliuag, Pulilan, Plaridel at Hagonoy na maging alerto sa posibleng pagbaha. (DDC)