GCQ sa NCR binawi ng IATF; MECQ mananatili hanggang September 15
Binawi ng Inter Agency Task Force ang naunang pasya na isailalim na sa General Community Quarantine ang National Capital Region simula September 8.
Sa pahayag sinabi ni Presidentiall Spokesperson Harry Roque na ipinagpaliban ng IATF ang pilot implementation ng GCQ with Alert Levels System sa Metro Manila.
Sa halip, pananatilihin ang pag-iral ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa NCR hanggang September 15.
Dahil dito, mananatiling bawal ang indoor at al-fresco dine-in services sa mga restaurant, gayundin ang personal care services kabilang ang mga parlor, beauty salons at spa.
Bawal pa din ang pagdalo ng personal sa religious services at gagawin lamang ito sa pamamagitan ng online streaming.
Sa mga burol at libing, tanging mga immediate family members ng yumao ang papayagang dumalo. (DDC)