400,000 construction at manufacturing workers babakunahan kontra COVID-19

400,000 construction at manufacturing workers babakunahan kontra COVID-19

Magsasagawa ng malawakang vaccination program ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga nagtatrabaho sa construction at manufacturing companies.

Target ng special vaccination na mabakunahan ang 400,000 manggagawa mula sa construction at manufacturing sector.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello, layon nitong makatulong sa employment recovery sa ilalim ng ‘Reform, Rebound, Recover: One Million Jobs for 2021′ project.

Naisakatuparan ang programa ayon kay Bello sa pakikipag-ugnayan ng DOLE sa pamahalaan at pribadong sektor.

Kamakailan ay inaprubahan ng National Task Force Against Covid-19 ang hiling ng DOLE na mabigyan ng alokasyon ng bakuna para sa 452,000 na manggagawa.

Malaking tulong ayon kay Bello na mabakunahan ang mga mangagagawa para sila ay makabalik nang panatag sa kanilang trabaho.

Kung marami ang makababalik na sa trabaho ay makababangon na rin ang ekonomiya ng bansa.

Nagpasalamat naman si Bello kay Vaccine czar Secretary Carlito Galvez sa alokasyong mga bakuna kontra COVID-19.

“As long as we persevere in our pursuit of safe and unabating recovery, our economy shall surely spring back and our workforce flourish,” ayon kay Bello. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *