Halos 2,000 pasahero stranded sa mga pantalan sa Bicol at Eastern Visayas dahil sa Typhoon Jolina
Mayroong halos 2,000 mga pasahero ang stranded na sa mga pantalan sa Bicol Region at Eastern Visayas dahil sa epekto ng Typhoon Jolina.
Sa inilabas na Maritime Safety Advisory ng Philippine Coast Guard (PCG), sa Eastern Visayas, mayroong 1,558 na mga pasahero, drivers at helpers ang stranded sa sumusunod na mga pantalan:
– Port of Sta. Clara
– Port of Balwarteco
– Port of Dapdap
– Liloan Port Ferry Terminal
– Port of San Ricardo
Mayroon ding 5 barko at 31 rolling cargoes na stranded, habang mayroong 11 barko ang pansamantalang nag-kanlong sa mas ligtas na lugar.
Sa Bicol Region, 295 na mga pasahero, drivers at helpers ang stranded sa sumusunod na mga pantalan:
– Port of Pioduran
– Port of Virac
– Port of San Andres
– Masbate City Port
– Cataingan Port
– Matnog Port
– Bulan Port
– Pilar Port
Mayroon ding 8 barko at 97 rolling cargoes na stranded habang 7 barko ang pansamantalang nagkanlong.
Hindi pinayagan ang paglalayag ng mga sasakyang pandagat sa maraming lugar sa bansa dahil sa pananalasa ng Typhoon Jolina. (DDC)