Dating presidential economic adviser Michael Yang pinatawan ng contempt ng senado

Dating presidential economic adviser Michael Yang pinatawan ng contempt ng senado

Pinatawan ng contempt ng Senado si dating presidential economic adviser Michael Yang.

Kasunod ito ng hindi pagtalima ni Yang sa dalawang subpeona na inilabas ng Senate Blue Ribbon Committee para dumalo sa pagdinig ng komite.

Ayon kay Gordon, iuutos nila sa mga otoridad ang pagpapalabas ng warrant of arrest kay Yang.

Ang imbestigasyon ng komite ay hinggil sa umano ay mga anomalya sa Department of Health (DOH).

Kasama sa iniimbestigahan ang umano ay “overpriced” na pandemic-related goods na binili ng DOH.

Kasama sa ipinatawag ng komite na pinamumunuan ni Senator Richard Gordon ay si dating presidential economic adviser Michael Yang.

May video kasi noong 2017 kung saan makikita si Yang at mga opisyal ng kumpanyang Pharmally na nakikipagpulog kay Pangulong Duterte.

Ang kumpanyang Pharmally ang nakakuha ng kontrata sa DOH sa pagsu-supply ng medical supplies noong nakaraang taon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *