Bagong voter registration schedule depende sa umiiral na community quarantine classification inilabas ng Comelec
Nagpalabas ng bagong voter registration schedule ang Commission on Elections (Comelec) depende sa community quarantine classification na umiiral sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Ayon sa Comelec, para sa mga lugar na nakasailalim sa General Community Quarantine (GCQ) at Modified Community Quarantine (MGCQ) ang voter registration ay mula Lunes hanggang Biyernes alas 8:00 ng umaga hanggang alas 7:00 ng gabi.
At sa Sabado at holidays mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.
Sa mga lugar naman na nakasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ), ang voter registration ay mula Lunes hanggang Sabado kabilang ang holidays alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.
Wala namang voter registration sa mga lugar na nakasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Paalala ng Comelec, maaring magkaroon ng pagbabago depende sa anunsyo ng lokal na pamahalaan na nakasasakop sa Comelec local office.
May mga pagkakataon kasing isinasara ang tanggapan ng Comelec kapag nagsasagawa ng disinfection ang LGU. (DDC)