4.9 percent na inflation rate naitala noong buwan ng Agosto; tumaas kumpara sa 4 percent lamang noong Hulyo

4.9 percent na inflation rate naitala noong buwan ng Agosto; tumaas kumpara sa 4 percent lamang noong Hulyo

Bumilis ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa noong buwan ng Agosto.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang headline inflation na naitala noong Agosto ay 4.9 percent.

Higit itong mataas kumpara sa 4 percent lamang noong buwan ng Hulyo.

Ito rin ang pinakamataas na inflation na naitala sa bansa simula noong Enero 2019.

Ayon sa PSA, ang dahilan ng mabilis na antas ng inflation noong Agosto 2021 ay dahil sa mabilis na paggalaw ng presyo ng Food at Non-Alcoholic Beverages.

Tumaas kasi ang presyo ng gulay gaya ng repolyo at isda gaya ng galunggong.

Noong buwan ng Agosto ay bahagya ding tumaas ang presyo ng bigas.

Samantala, ayon sa PSA, nakapag-ambag din sa naitalang inflation rate noong Agosto ang presyo ng housing, water, electricity, gas at iba pang fuels.

Tumaas kasi ang presyo ng LPG at kuryente. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *