Biyahe ng mga barko sa Culasi Port patungong Batangas kinansela ng Coast Guard
Suspendido ang biyahe ng mga barko sa Culasi Port sa Brgy. Culasi, Roxas City.
Ayon sa sea travel advisory ng Coast Guard, apektado ng Typhoon Jolina ang Roxas City.
Dahil dito suspendido ang lahat ng biyahe sa Culasi Port patungo ng Batangas Port ngayong araw, September 7.
Pinayuhan ang lahat ng mga barko na mag-take shelter para masiguro ang kaligtasan. (DDC)