Pagpapaliban sa BARMM elections inaprubahan ng senado

Pagpapaliban sa BARMM elections inaprubahan ng senado

Lusot na sa Senado ang panukalang iatras ang first regular elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa botong 15-3-1, inaprubahan sa 3rd and final reading ang Senate Bill No. 2214 na inisponsor ni Local Government Committee Chairman Francis Tolentino.

Nakasaad sa panukala na mula May 2022, iaatras ang BARMM elections sa May 2025 kasabay ng national elections.

Ipinaliwanag ni Tolentino na sa kabila ng pagsisikap ng Bangsamoro Transition Authority, maraming priority programs ang nabinbin bunsod ng epekto ng Covid 19 Pandemic.

Batay sa panukala, sa sandaling mag-expire ang termino ng incumbent members ng BTA, magtatalaga ang Pangulo ng 80 bagong miyembro na magsisilbi hanggang June 30, 2025 o hanggang maihalal ang kanilang mga kapalit.

Noong nakaraang Linggo, inaprubahan na rin ng House Committees on Suffrages and Electoral Reform, Muslim Affairs, at Peace, Reconciliation and Unity, ang committee para sa pagpapaliban ng BARMM elections. (Dang Garcia)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *