Typhoon Jolina nasa bahagi na ng Samar; Signal No. 3 itinaas sa maraming lugar sa Luzon at Visayas

Typhoon Jolina nasa bahagi na ng Samar; Signal No. 3 itinaas sa maraming lugar sa Luzon at Visayas

Nananalasa na sa Samar ang bagyong si Jolina.

Huling namataan ng PAGASA ang sentro ng bagyo sa coastal waters ng Sto. Niño, Samar.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 180 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong West Northwest sa bilis na 20 kilometers bawat oras.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 sa sumusunod na mga lugar:

– eastern portion of Masbate (Pio V. Corpuz, Palanas, Cataingan, Placer, Dimasalang, Uson, Cawayan, Esperanza, Mobo)
– Ticao Island
– extreme western portion ng Northern Samar (San Vicente, Capul, San Antonio, San Isidro)
– northern portion of Biliran (Kawayan, Culaba, Caibiran, Maripipi, Almeria)
– northern at central portions ng Samar (City of Catbalogan, Tarangnan, Jiabong, Motiong, Paranas, Calbiga, Pinabacdao, Villareal, Talalora, Daram, Zumarraga, San Sebastian, Hinabangan, Pagsanghan, Santo Niño, Tagapul-An, Almagro, Santa Margarita, Gandara, San Jorge, Calbayog City)

Signal No. 2 naman ang nakataas sa sumusunod na mga lugar:
– Albay
– Sorsogon
– rest of Masbate kabilang ang Burias Island
– western at southern portions ng Camarines Sur (Del Gallego, Lupi, Ragay, Libmanan, Sipocot, Cabusao, Pasacao, Pamplona, Gainza, Camaligan, Canaman, Magarao, Bombon, Naga City, Pili, Ocampo, Iriga City, Sagñay, Buhi, Milaor, San Fernando, Minalabac, Bula, Nabua, Baao, Balatan, Bato, Calabanga)
– eastern portion ng Marinduque (Torrijos, Santa Cruz)
– southeastern portion ng Quezon (Tagkawayan, Guinayangan, Buenavista, Mulanay, San Narciso, San Francisco, San Andres, Catanauan, Calauag, General Luna, Lopez, Macalelon)
– eastern portion ng Romblon (San Fernando, Magdiwang, Cajidiocan, Romblon, Banton, Corcuera)
– rest of Biliran
– western portion ng Northern Samar (Silvino Lobos, Lope de Vega, Catarman, Bobon, San Jose, Rosario, Lavezares, Biri, Allen, Victoria, Mondragon)
– rest of Samar
– central at southern portions of Eastern Samar (Can-Avid, Taft, Sulat, San Julian, City of Borongan, Maydolong, Balangkayan, Llorente, General Macarthur, Quinapondan, Hernani, Salcedo, Mercedes, Guiuan, Balangiga, Lawaan, Maslog, Dolores, Giporlos)
– northern portion ng Leyte (Calubian, San Isidro, Tabango, Leyte, Villaba, Matag-Ob, Ormoc City, Kananga, Carigara, Jaro, Dagami, Julita, Tabontabon, Tolosa, Tanauan, Palo, Pastrana, Santa Fe, Tacloban City, Barugo, San Miguel, Alangalang, Dulag, Tunga, Babatngon, Capoocan)

At Signal No. 1 ang nakataas sa sumusunod na mga lugar:
– Catanduanes
– rest of Camarines Sur
– Camarines Norte
– rest of Quezon including Polillo Islands
– Laguna
– eastern portion ng Batangas (Santo Tomas, Lipa City, San Jose, Batangas City, Ibaan, Rosario, Padre Garcia, San Juan, Taysan, Lobo, City of Tanauan, Malvar, Balete, Mataas na kahoy, Cuenca, San Pascual),
– rest of Marinduque
– rest of Romblon
– northern at central portions ng Oriental Mindoro (City of Calapan, Naujan, Victoria, Socorro, Pola, Pinamalayan, Gloria, Bansud, Bongabong, Roxas, Baco, San Teodoro, Puerto Galera)
– rest of Northern Samar
– rest of Eastern Samar
– rest of Leyte
– Southern Leyte
– northern portion ng Cebu (Carmen, Tuburan, Catmon, Sogod, Tabuelan, Borbon, Tabogon, San Remigio, City of Bogo, Medellin, Daanbantayan) including Camotes and Bantayan Islands
– northeastern portion of Iloilo (Concepcion, Sara, San Dionisio, Batad, Estancia, Carles, Balasan)
– extreme northern portion of Capiz (Pilar, Panay, Roxas City)

Ayon sa PAGASA sa susunod na 24 na oras ang bagyo ay magdudulot ng heavy to intense with at kung minsan ay torrential rains sa Eastern Visayas, Sorsogon, at Masbate.

Moderate to heavy at kung minsan ay intense rains sa southern portion ng Quezon, Romblon, Marinduque at sa nalalabing bahagi ng Bicol Region at Visayas.

Tumama na ang bagyo sa kalupaan ng Daram, Samar alas 2:00 ng madaling araw ng Martes (Sept. 7) at sa Sto Niño, Samar alas 3:40 ng madaling araw.

Inaasahang tatama din ito sa kalupaan ng Masbate at hihina bilang isang severe tropical storm.

Muli itong mag-la-landfall sa bisinidad ng southeastern Quezon mamayang gabi o bukas ng umaga.

Tatawirin din ng bagyo ang Central Luzon at bahagyang mahahagip ang Metro Manila. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *