DOH nakapagtala ng 279 pang Delta variant cases ng COVID-19
Nakapagtala ng 279 pa na Delta variant cases ng COVID-19 ang Department of Health (DOH).
Ayon sa DOH, batay sa pinakahuling datos ng University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC) at ng University of the Philippines-National Institutes of Health (UP-NIH), mayroong 279 Delta variant cases na na-detect sa 367 samples na isinumite para sa genome sequencing.
Sa naitalang 279 Delta variant cases, 245 ay pawang local cases, 21 ay pawang Returning Overseas Filipinos (ROF), at 13 cases ang bineberipika pa.
Naitala ang 245 local cases sa sumusunod na mga lugar:
Ilocos Region (17 cases)
Cagayan Valley (17 cases)
Central Luzon (24 cases)
CALABARZON (5 cases)
MIMAROPA (9 cases)
Bicol Region (19 cases)
Western Visayas (3 cases)
Central Visayas (5 cases)
Eastern Visayas (14 cases)
Zamboanga Peninsula (1 case)
Northern Mindanao (22 cases)
Davao Region (10 cases)
Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (5 cases)
Cordillera Administrative Region (13 cases)
National Capital Region (51 cases)
Sa naitalang 279 Delta variant cases, 267 ang gumaling na, 2 ang aktibo pa at 8 ang pumanaw.
Dalawang kaso pa ang ang inaalam kung ano na ang estado ng pasyente.
Ayon sa DOH, umabot na sa 2068 ang total Delta variant cases na naitatala sa bansa.
Samantala nakapagtala din ng dagdag na 29 Alpha (B.1.1.7) variant cases, 28 Beta (B.1.351) variant cases, at 13 na P.3 variant cases. (DDC)