Heavy rainfall warning nakataas sa ilang lalawigan sa Eastern Visayas dahil sa tropical depression Jolina
Ilang lalawigan sa Eastern Visayas ang nakararanas ng patuloy nag pag-ulan dahil sa tropical depression Jolina.
Sa inilabas na abiso ng PAGASA alas 11:00 ng umaga ng Lunes, Sept. 6, yellow warning level ang nakataas Eastern Samar, Samar, Leyte; at Southern Leyte.
Babala ng PAGASA maaring makaranas ng pagbaha lalo na sa mabababang lugar at landslides naman sa bulubunduking lugar. (DDC)