Heavy rainfall warning nakataas sa maraming lugar sa bansa dahil sa tropical depression Jolina
Maraming lugar sa bansa ang nakararanas na ng patuoy na pag-ulan dahil sa tropical depression Jolina.
Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA alas 9:00 ng umaga ngayong Lunes (Sept. 6) yellow warning level na ang umiiral sa sumusunod na mga lugar:
– Dinagat Islands
– Surigao del Norte
– Siargao Island
– Bucas Grande Island
– Surigao del Sur
– Agusan del Norte
– Agusan del Sur
– Camiguin Island
– Misamis Oriental (Magsaysay)
Babala ng PAGASA maaring makaranas ng pagbaha lalo na sa mabababang lugar at landslides naman sa bulubunduking lugar.
Samantala, nakararanas naman ng mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Bukidnon (Malaybalay City, Valencia City), Sarangani (Malapatan, Glan), Davao Occidental (Jose Abad Santos, Sarangani), Tawi Tawi (South Ubian, Tandubas, Sapa-Sapa, Simunul), Misamis Occidental (Baliangao), Zamboanga del Norte (Baliguian, Sibutad, Manukan, Pres. Manuel A. Roxas, Balingasag), Zamboanga del Sur (San Pablo, Dinas, Dimataling), Lanao Del Norte (Sultan Naga Dimaporo), Lanao del Sur (Picong, Malabang, Balabagan, Kapatagan), Maguindanao (Parang), at Basilan (Lantawan).
Pinapayuhan ang publiko at ang local disaster risk reduction and management council sa mga apektadong lugar na mag-antabay sa mga susunod na abiso ng PAGASA. (DDC)