Binabantayang LPA sa Surigao del Norte isa nang ganap na bagyo, pinangalanang “Jolina” ng PAGASA

Binabantayang LPA sa Surigao del Norte isa nang ganap na bagyo, pinangalanang “Jolina” ng PAGASA

Isa nang ganap na bagyo ang Low Pressure Area na binabantayan ng PAGASA sa Surigao Del Norte.

Ang bagyo ay pinangalananang “Jolina” na pang-sampung bagyo sa bansa ngayong taon.

Ang sentro ng Tropical Depression “Jolina” ay huling namataan sa 300 kilometers East Southeast ng Guiuan, Eastern Samar o sa layong 310 kilometers East ng Surigao City, Surigao del Norte.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers bawat oras.

Kumikulos ang bagyo sa direksyong West Southwest sa bilis na 20 kilometers bawat oras.

Itinaas na ng PAGASA ang tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa sumusunod na mga lugar:

– Eastern Samar
– Dinagat Islands
– Siargao Islands
– Bucas Grande Islands

Sa susunod na 24 na oras magdudulot ang bagyo ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Eastern Samar, Dinagat Islands, at Surigao del Norte kabilang ang Siargao at Bucas Grande Islands.

Ayon sa PAGASA, maaring makaranas ng isolated hanggang sa kalat-kalat na pag-ulan sa nasabing mga lugar na maaring magdulot ng pagbaha.

Sa Biyernes, September 10 ay inaasahang magla-landfall ang bagyo sa bahagi ng Northern Luzon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *