Mahigit 20,000 bagong kaso ng COVID-19 naitala ng DOH

Mahigit 20,000 bagong kaso ng COVID-19 naitala ng DOH

Nakapagtala ng mahigit 20,000 pang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Linggo, Sept. 5 ay umabot na sa 2,080,984 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa magdamag, umabot sa 20,019 ang dagdag na mga kaso.

Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 1,889,312 ang gumaling o katumbas ng 90.8 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 20,089 na gumaling.

157,438 naman ang active cases o katumbas ng 7.6 percent.

Nasa 34,234 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.65 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 173 pang nasawi. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *