Sipalay City, Negros Occidental niyanig ng magnitude 4.9 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang lalawigan ng Negros Occidental.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 55 kilometers northwest ng Sipalay City alas 5:00 ng hapon ng Linggo, September 5.
May lalim na 18 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin.
Naitala ang Instrumental Intensity II sa Bago City, Negros Occidental at Intensity I sa La Carlota City, Negros Occidental. (DDC)