Mas maigting na accounting sa loose firearms iniutos ni Eleazar

Mas maigting na accounting sa loose firearms iniutos ni Eleazar

Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Lorenzo T Eleazar ang lahat ng chiefs of police at area commanders na paigitingin ang accounting sa mga loose firearms sa kani-kanilang nasasakupan.

Ani Eleazar kailangang magsagawa ng agresibong kampanya laban sa loose firearms kaakibat ng kaniyang naunang utos na magsagawa ng crackdown sa lahat ng Private Armed Groups (PAGs).

Layunin nitong masiguro na hindi magagamit ang mga PAG at loose guns sa pananakit sa 2022 elections.

“I have already instructed all our chiefs of police and area commanders to intensify the accounting of loose firearms as part of our early preparation for the peaceful, honest and orderly conduct of elections next year,” ani Eleazar.

Bahagi ng kampanya ani Eleazar na himukin ang mga gun owners na expire na ang lisensya na maghain ng renewal para sa firearms registration.

Sa datos ng PNP mayroong 664,480 firearms na pag-aari ng mga pribadong indibidwal na expired na ang lisensya.

Nagsasagawa na aniya ang PNP intelligence community ng validation sa bilang ng mga loose firearms lalo na ang mga pag-aari ng mga sindikato, communist rebel group at iba pang large threat groups.

“Lahat tayo ay nagnanais na magkaroon ng tahimik at tapat na halalan sa susunod na taon subalit ito ay isang adhikain na nangangailangan ng kooperasyon ng COMELEC, ng mga pulis at ng sambayanang Pilipino,” dagdag ng PNP chief. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *