Task Force laban sa Illegal Recruitment muling binuhay ng PNP

Task Force laban sa Illegal Recruitment muling binuhay ng PNP

Binuhay ng Philippine National Police (PNP) ang Task Force Against Illegal Recruitment nito upang mapaigting pa ang kampanya sa ilegal na pagpapadala ng mga Pinoy sa abroad.

Sa isang memorandum circular, activated na muli ang PNP Task Force Against Illegal Recruitment (PNP-TFAIR) na inatasang agresibong magsagawa ng operasyon laban sa mga illegal recruiter.

Ayon kay PNP chief, Police Gen. Guillermo Eleazar, kahit panahon ng pandemya ay marami pa ring nabibiktma ng illegal recruiters na nagreresulta sa pagkakabaon sa utang ng kanilang pamilya.

Ang iba ayon kay Eleazar napapahamak pa sa kanilang pinagtatrabahuhan sa ibang bansa.

Mandato rin ng PNP-TFAIR na magsagawa ng surveillance at entrapment operations sa mga taong sangkot sa illegal recruitment activities.

Inatasan din ni Eleazar ang Task Force na bumuo ng target list batay sa kanilang isasagawang intelligence gathering at sa mga impormasyon na galing sa mga nabiktima ng aktibidad.

Kasabay nito pinaalalahanan ni Eleazar ang publiko na maging maingat sa pakikipag-ugnayan sa mga recruiter.

Kailangan aniyang alamin muna kung legal ang mga ito at beripikahin sa Philippine Overseas Employment Agency (POEA). (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *