10 million doses pa ng COVID-19 vaccine ng Pfizer darating sa bansa ngayong taon

10 million doses pa ng COVID-19 vaccine ng Pfizer darating sa bansa ngayong taon

Bago matapos ang taon ay mayroong darating na sampung milyong doses pa ng COVID-19 vaccine sa bansa.

Ayon kay National Task Force chief implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., ang pagdating ng mga bakuna ng Pfizer ay sa Oktubre, Nobyembre at Disyembre.

Ilalaan ang mga parating na Pfizer vaccines sa mga lugar na mayroong mataas na kaso ng COVID-19.

Kaugnay nito, nais ni Galvez na magkaroon ng dry run ang mga lokal na pamahalaan sa pag-deploy ng mga bakuna, kasama na ang handling at storage ng mga ito.

Ani Galvez ito ay para masigurong handa ang mga LGU sa sandaling unti-unti nang magdatingan ang mga bakuna ng Pfizer.

Ngayon buwan ng Setyembre mayroong inaasahang mahigit isang milyong doses ng Pfizer vaccine na darating sa bansa na bahagi ng 40 million doses na binili ng pamahalaan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *