Pagtanggal ng line item sa DOH budget para sa cancer fund, inalmahan

Pagtanggal ng line item sa DOH budget para sa cancer fund, inalmahan

Binatikos ni Senador Nancy Binay ang pagtanggal ng line item para sa cancer fund sa panukalang budget ng Department of Health sa susunod na taon.

Sinabi ni Binay na maituturing itong step back sa paglaban ng bansa sa matinding sakit.

Ngayong taon, P620 million ang inilaang cancer fund para sa P500-million Cancer Control Program at P120-million Cancer Assistance fund.

Nangako ang senador na aayusin ang maling hakbang na ito ng DOH sa sandaling talakayin na ang panukalang budget sa Senado.

Sa halip na line item, inilagay ng DOH ang pondo sa non-communicable diseases ang National Integrated Cancer Control Program kasama na ang cancer medicines for children at ang Cancer Assistance Fund.’

Iginiit ni binay na hindi katanggap-tanggap na tila hindi permanenteng priority ang suporta para sa mga cancer patients natin dahil nakabulto lang sa NCD budget, walang linaw kung magkano talaga ang nakalaan, at ang pangamba ay paglaruan lang ang budget na ito. (Dang Garcia)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *