Walk-in pinayagan sa ilang vaccination sites sa Maynila ngayong araw
Pinayagan ang walk-in sa ilang vaccination sites sa Maynila ngayong araw ng Biyernes, September 3.
Ayon sa Manila Health Department pwedeng mag walk-in sa first dose vaccination para sa A1, A2, A3, A4, at A5 priority groups sa apatnapu’t limang (45) health centers ng lungsod mula District 1 hanggang District 6 .
May inilaang 300 doses kada site.
Pinayagan din ang walk-in sa apat (4) na mall sites kung saan mayroon 1,000 doses na inilaan kada site.
Samantala isasagawa din ang second dose vaccination para sa mga nabakunan ng PFIZER na nasa A1, A2, A3, A4, at A5 priority groups sa drive-thru vaccination sa Manila Grandstand noong Agosto 14, 2021.
Idaraos din ang second dose vaccination ng PFIZER sa mga nabakunahan noong August 14, 2021 sa labing-walong (18) school sites. (DDC)