Biliran niyanig ng magnitude 4.9 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang Biliran.
Ayon sa Phivolcs naitala ang pagyanig sa layong 4 kilometers northwest ng Biliran alas 3:23 ng hapon ng Huwebes, Sept. 2.
May lalim na 6 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin nito.
Naitala ng sumusunod na Intensities:
Intensity V- Naval, Biliran
Intensity III – Ormoc City, Carigara, Isabel, Calubian and Kananga, Leyte
Intensity II- Palo and Jaro, Leyte
Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks. (DDC)