Non-essential travels sa Baguio City ipinagbawal muna
Bawal na munang bumiyahe sa Baguio City kung ang dahilan ng pagpunta sa lungsod ay non-essential.
Iniutos ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na suspindihin ang lahat ng non-essential travels sa lungsod simula September 3 hanggang September 19.
Lahat naman ng mga APOR o mga Authorized Persons Outside Residence ay papayagang pumasok sa Baguio City basta’t susunod sa karampatang requirements.
Ayon kay Magalong ang utos ay bahagi ng control measure ng lungsod para maawat ang tumataas na kaso ng COVID-19.
Para sa mga essential travel sa Baguio City, lahat ng biyahero ay kailangang magpakita ng negatibong resulta ng RT-PCR test na isinagawa 72-oras bago ang kanilang pagpasok sa lungsod.
Ang mga fully-vaccinated individual ay maaring magpakita ng kanilang vaccination documents. (DDC)