Senado mayroong 39 na aktibong kaso ng COVID-19

Senado mayroong 39 na aktibong kaso ng COVID-19

Kinumpirma ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na nasa 39 ang aktibong kaso ng COVID 19 sa Senado habang 168 empleyado nito ang kasalukuyang naka-quarantine

Sinabi ni Sotto na marami sa mga apektadong empleyado ay mula sa Bills and Index na sa kanilang 32 empleyado, 20 ang naka-quarantine kung saan 10 na ang nagpositibo.

Kaugnay nito, inaprubahan ng mga senador ang rekomendasyon ng Senate Medical Office na bawasan pa ang mga papayagang empleyado na pumasok araw-araw.

Sa rekomendasyon, mula sa 50 percent, gagawin na lamang 20 percent ang mga empleyadong papayagang makapasok.

Bukod dito, ang mga empleyadong kailangan lamang sa plenary sessions ang papayagan.

Sinabi ni Sotto na mas hihigpitan pa nila ang ipinatutupad na health protocols sa gusali upang maiwasan pa ang pagkalat ng virus. (Dang Garcia)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *