80 percent ng mga COVID patient na nasa mga ospital sa Metro Manila, walang bakuna
Pawang wala pang bakuna ang mga COVID-19 patient na nasa mga ospital sa Metro Manila.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, base sa datos ng Department of Health (DOH), walo sa bawat sampung pasyente na nasa mga ospital sa Metro Manila ay pawang hindi pa nababakunahan.
Ibig sabihin nito ani Roque, napakahalaga ng bakuna para maprotektahan ang bawat isa laban sa COVID-19.
Kaugnay nito ay muling hinikayat ng Malakanyang ang publiko na magpabakuna na laban sa sakit.
Ani Roque, habang dumarami ang nababakunahan ay tuluy-tuloy naman ang dating ng mga supply ng bakuna sa bansa.
Ngayong buwan ng Setyembre at sa susunod na buwan ng Oktubre ay mas maraming doses ng bakuna pa ang darating sa bansa. (DDC)