Impeachment complaint laban kay SC Court Associate Justice Marvic Leonen ibinasura ng Kamara

Impeachment complaint laban kay SC Court Associate Justice Marvic Leonen ibinasura ng Kamara

Pinagtibay ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang resolusyong nagbabasura sa impeachment complaint laban kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen.

Sa botong 165-1-1, inadopt ng Kamara ang resolusyon ng komite na nagbabasura sa impeachment filed na inihain ng isang Edwin Cordevilla laban kay Leonen.

Unang ibinasura ng komite sa Kamara ang nasabing reklamo.

Ang pagbasura ay dahil sa kawalan umano ng personal knowledge ni Cordevilla sa reklamo.

Sinabi din ng Kamara na inihaing impeachment complaint ni Cordevilla ay insufiicient in form and substance.

Maituturing ding hearsay ang pinagbasehan ni Cordevilla sa reklamo dahil ang mga impormasyon ay inuha niya sa mga balita sa pahayagan at website. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *