Vaccine Czar Carlito Galvez dumepensa sa patuloy na pagbili ng Sinovac vaccine ng gobyerno

Vaccine Czar Carlito Galvez dumepensa sa patuloy na pagbili ng Sinovac vaccine ng gobyerno

Dumepensa ang pamahalaan sa patuloy na pagbili ng bakuna ng Sinovac.

Sa online forum ng Kapihan sa Maynila, sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., lahat ng bakunang ginagamit ngayon sa Pilipinas kasama na ang Sinovac ay aprubado para sa emergency use ng World Health Organization (WHO).

Dagdag pa ni Galvez, kung wala ang mga bakuna ng Sinovac na binili ng gobyerno kasama ang mga donasyon ay maaring kakaunti pa lamang ang bilang ng mga nabakunahan sa bansa.

Sinabi ni Galvez na gaya ng ibang bakuna, ang COVID-19 vaccine ng Sinovac ay epektibo din para maiwasan ang pagkakaroon ng severe COVID-19.

Simula noong Febryary 28 ay umabot n a sa halos 52 million ang COVID-19 vaccines na dumating sa bansa.

Sa nasabing bilang, 27.6 million doses ay pawang Sinovac vaccines. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *