Pasahero inaresto sa airport sa Cebu dahil sa pagdadala ng baril

Pasahero inaresto sa airport sa Cebu dahil sa pagdadala ng baril

Arestado ang isang pasahero sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) dahil sa pagdadala nito ng baril.

Nakita ang hindi lisensyadong kalibre 45 na baril, isang magazine na may pitong bala nang isailalim sa x-ray at inspeksyon ang bagahe ni Dexter Rivera sa Initial Security Screening Checkpoint Domestic Terminal 1.

Ayon kay Rivera na patungo ng Manila, hindi sinasadyang maiwan sa kaniyang bagahe ang baril.

Nang hingan ng mga dokumento ng mga otoridad, ay nabigo si Rivera na ipakita ang lisensya at permit to carry ng baril.

Dahil dito ay inaresto siya ng mga tauhan ng PNP Aviation Security Unit-7 bunsod ng paglaag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.

Si Rivera ay nasa kostodiya na ng PNP. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *