Filipino priest inordinahan bilang Obispo sa Papua New Guinea
Isang Filipino missionary priest ang inordinahan ni Pope Francis bilang Obispo sa Papua New Guinea.
Isinagawa ang seremonya sa St. Gerar Cathedral para sa pormal na pagluklok kay Bishop Joseph Durero sa Diocese of Daru-Kiunga.
Pinalitan ni Durero ang dating Canadian bishop sa nasabing diocese.
Ayon sa ulat ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), ang 53 anyos na si Durero ay tubong Dapa, Surigao Del Norte.
Mahigit 20-taon na siyang nasa misyonaryo sa Divine Word sa Papua New Guinea.
Si Durero ang ikatlong pari na Pinoy na naordinahan bilang obispo sa PNG. (DDC)