Mayor Sara Duterte magiging katulad ng kaniyang ama kapag naging pangulo ng bansa – 1Sambayan
Upang matiyak na matututukan at masosolusyunan ang COVID-19 pandemic sa Pilipinas na kabilang sa pinakamatindi sa buong Asya, hindi na dapat administrasyong Duterte o sinumang kandidato nito ang maupo sa Malakanyang.
Ayon kay 1Sambayan convenor Neri Colmenares nakita na ng publiko kung paano ang naging Covid response ng administarsyong Duterte kaya kung ayaw nang maulit ang ganitong kapalpakan at ganitong uri ng kurakot ay hindi na dapat Duterte at kaanib nito ang iluklok sa pwesto.
Tinukoy nito ang bilyong overpriced pandemic deals na iniimbestigahan ngayon ng Senate Blue Ribbon Committee, lumutang na sangkot sa kuwestiyunableng kontrata ang malapit na kaibigan ni Pangulong Duterte na si dating presidential economic adviser Michael Yang.
Si Yang ang sinasabing nagpakilala kay Pangulong Duterte sa mga opisyal ng Pharmally Pharmaceuticals na nakakuha ng P8.6B kontrata para bumili ng medical supplies noong 2020 gayong may ilang buwan pa lamang nag-ooperate at may capital lang na P625,000.
Sinabi ni Colmenares na si Davao City Mayor Sara Duterte ay katulad lamang din ni Pangulong Duterte, aniya, sakaling maupo ito sa Malacanang ay ipagpapatuloy lamang nito ang incompetence, corruption at patayan gayundin ay poproteksyunan si Pangulong Duterte at iba pang opisyal ng pamahalaan para hindi makasuhan sa korupsyon.
Ang alkalde ay pinupuna din sa hindi maayos na Covid response sa Davao City, mula buwan ng Mayo hindi bumababa ang COVID cases sa lalawigan, sa pinakahuling datos ng Department of Health (DoH) noong Agosto 28 ay 403 kaso ang naitatala araw araw,triple ito sa 114 kaso noong Agosto 23 habang mataas din ang COVID deaths.
Bukod sa incompetence ay pinuna din ni Colmenares ang pagsisinungaling ni Mayor Sara partikular sa hindi nito pagtakbo sa presidential election.
“nagsisinungaling sya gaya ng kanyang ama noong 2015, matagal nang planado ang pagtakbo nito para sa 2022 Presidential elections. I don’t think Sara is being pushed to run, I think, she really wants to run. Lahat na lang may poster, all over daming poster ng Run Sara, Run. Di ako naniniwalang “pushed” yan, planado yan. Does she want to be president? Yes she wants to be president. Is it good for us to have her as president? No because she will just continue what her father started” giit ni Colmenares.
“Worse, she will protect President Duterte and all those officials involved in corruption from prosecution. Do you want a president who will protect the guilty from prosecution. Sa dinami dami na nilang sinabi on corruption, wala akong alam na nakulong sa ilalim ni President Duterte”giit nito pa nito.
Sinabi pa ni Colmenares na hindi na dapat mapagdala ang publiko sa mga pangako ng mga Duterte, gaya umano ni Pangulong Duterte na sa 10 nyang sasabihin ay 20 ang hindi mo paniniwalaan kaya hindi na dapat maloloko pa ang taumbayan.
Minaliit din ng 1Sambayan ang pahayag ni Pangulong Duterte na walang mananalong oposisyon sa 2022 elections, giit ng grupo, malakas ang posibleng dayaan para paboran ang mga kandidato ng administrasyon dahil sila ang nakaupo sa pwesto ngunit kapag milyon na ang magsasalita sa pamamagitan ng kanilang boto ay mahirap na itong dayain.