Pagpapatuloy ng voter registration sa mga lugar na nakasailalim sa MECQ inaprubahan ng Comelec

Pagpapatuloy ng voter registration sa mga lugar na nakasailalim sa MECQ inaprubahan ng Comelec

Inaprubahan ng Commission on Elections (Comelec) En Banc ang pagpapatuloy ng voter registration sa mga lugar na nakasailalim sa sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, simula sa September 6, 2021 ay maari nang mag-resume ang voter registration sa MECQ areas mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.

Papayagan din ayon kay Jimenez ang in-mall voter registration.

Magugunitang nahinto ang voter registration sa mga lugar na nakasailalim sa ECQ at MECQ dahil nagsara ang mga tanggapan ng Comelec bilang pagtalima sa guidelines ng Inter Agency Task Force. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *