Davao City niyanig ng magnitude 4.0 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang Davao Citiy.
Naitala ng Phivolcs ang epicenter ng pagyanig sa layong 9 kilometers northeast ng Davao City alas 6:26 ng umaga ng Miyerkules, Sept. 1.
17 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin nito.
Naitala ang Intensity I sa Davao City.
Hindi naman ito nagdulot ng pinsala at aftershocks. (DDC)