Travel restrictions sa sampung mga bansa pinalawig hanggang Sept. 5
Pinalawig ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang ipinatutupad na travel restrictions sa sampu pang mga bansa na may mataas na kaso ng COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin ang travel restrictions hanggang Sept. 5 sa sumusunod na mga bansa:
– India
– Pakistan
– Bangladesh
– Sri Lanka
– Nepal
– UAE
– Oman
– Thailand
– Malaysia
– Indonesia
Ang travel restrictions ay bahagi ng pro-active measures ng pamahalaan upang mapabagal ang tumataas na kaso ng COVID-19 cases.
Layon din nitong mapigil ang paglaganap pa sa bansa ng iba’t ibang variants of concern. (DDC)