Anala Tower sa Anuva Residences sa Muntinlupa isinailalim sa Extreme Localized Community Quarantine

Anala Tower sa Anuva Residences sa Muntinlupa isinailalim sa Extreme Localized Community Quarantine

Isinailalim sa Extreme Localized Community Quarantine ang Anala Tower sa Anuva Residences, Brgy. Buli sa Muntinlupa City.

Ang lockdown ay nagsimula alas 6:00 ng gabi ng August 31, 2021 at tatagal hanggang alas 6:00 ng gabi ng Setyembre 15, 2021.

Ito na ang ika-12 lugar sa lungsod na isinailalim sa granular lockdown.

Isinailalim ang komunidad sa lockdown dahil sa naitalang mataas na attack rate at mabilis na case doubling time.

Ibig sabihin ay mabilis na kumakalat ang COVID-19 sa naturang compound.

Ang komunidad ay mayroon ding high risk groups gaya ng mga senior citizens, PWD, buntis, at mga kabataan na nasa 5 taong pababa.

Sa huling ulat ng City Health Office, nakapagtala ng 8 aktibong kaso sa lugar.

Magsasagawa ng mass swab testing ang Muntinlupa CHO sa compound at paiigtingin ang detect-isolation-treatment strategy.

Magbibigay din lokal na pamahalaan katuwang ang barangay ng ayuda habang umiiral ang lockdown. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *