14 na sakay ng nagkaproblemang barko sa Bohol, nailigtas ng Coast Guard
Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang labingapat na sakay ng isang barko makaraang makaranas ito ng engine trouble sa bahagi ng Ubay, Bohol.
Ang MV The Good Fortune ay umalis ng Naga, Cebu alas 6:00 ng gabi ng Sabado, Oct. 24.
Pero nagkaproblema ang makina ng barko kaya agad nagtungo ang mga tauhan ng PCG para magsagawa ng search and rescue operation.
Ayon sa Coast Guard naka-angkla na ang barko sa bahagi ng Pres. Carlos P Garcia, Bohol at sumasailalim na sa engine repair
Ligtas naman ang lahat ng 14 na crew nito. (END)