172 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas
Nakapagtala ng dagdag na 172 pang bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Sa inilabas na datos ng Eastern Visayas – Center for Health and Development araw ng Lunes – August 30, sumampa na sa 41,162 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 1,446 ang active cases at 39,264 naman ang gumaling.
452 naman ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.
Ang 172 na bagong kaso na nadagdag at mula sa sumusunod na mga lalawigan at lungsod:
Leyte (85)
Southern Leyte (49)
Samar (13)
Tacloban City (10)
Eastern Samar (7)
Biliran (7)
Ormoc City (1)
Pawang nasa “medium” ang average daily attack rate sa Ormoc City, Tacloban City, Leyte, Southern Leyte, Eastern Samar, at Biliran.
Habang “low” naman sa Samar at Northern Samar. (DDC)