Pulis nanakot at nagwala sa loob ng isang ospital sa Valenzuela City

Pulis nanakot at nagwala sa loob ng isang ospital sa Valenzuela City

Pinaiimbestigahan nan ni PNP chief, Police Gen. Guillermo Eleazar ang insidente ng pagwawala umano at pananakot ng isang pulis sa loob ng ospital sa Valenzuela City.

Ayon kay Eleazar inatasan na niya ang district director ng Northern police District na magsagawa ng imbestigasyon.

Batay sa reklamo na nakarating kay Eleazar, dinala si Patrolman Angelo Mendoza Abalos ng kaniyang asawa sa Valenzuela Emergency Hospital dahil tumaas ang presyon nito.

Sa triage area, nagpakilala ang suspek bilang isang pulis at tinakot ang mga naroroon.

Dahil sa pangamba, agad nagpunta sa barangay at sa istasyon ng pulisya ang nurse na si Simon S. de Galicia at ang security guard na si Gilbert Belmonte para ipa-blotter ang nangyari.

Agad namang nahuli ang suspek at dinala sa Station Investigation Unit para sa pormal na pagsasampa ng reklamo laban sa kaniya. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *